PNP patuloy ang panawagan sa lahat na magtulungan para huwag nang lumaki pa ang problema kontra iligal na droga

CAMARINES NORTE- Patuloy na nanawagan ang Philippine National Police lalo na sa mga barangay na makipagtulungan sa mga awtoridad para hindi na muling lumaki ang problema sa iligal na droga.

Ayon kay PMaj Melvin Atacador, hepe ng Basud MPS malaki umano ang papel ng mga opisyal ng barangay at mga residente upang mapigilan ang pagkalat ng iligal na droga sa kani- kanilang lugar.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Mababatid na drug cleared na ang 29 na barangay ng Basud dahil na rin sa pagtutulungan ng pulisya at ng mga opisyal ng barangay.

Pero nito lang mga nakatalikod na araw ay ilang anti- illegal drugs operation ang ginawa ng mga pulis sa naturang bayan kung saan ang pinakahuli ay ang pagkakahuli sa isang buntis na nakuhaan ng malaking halaga ng iligal na droga sa kanilang bahay at mayroon ding baril.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Sabi ni Atacador; “Pag sinabing drug cleared ibig sabihin po yung mga barangay natin ay kontorolado na natin, wala na pong nagbebenta ng drugs diyan, yung mga gumagamit identified na natin at nasa rehabilitation na po sila ng stage ng kanilang addiction.”

Nagbabala ang opisyal na hindi titigil at magsasawa ang mga kapulisan s apagsasagawa ng mga operasyon hangga’t mayroong iligal na droga.