Composite teams ng Camalig, Albay nagsasagawa ng area assessment sa Taloto elementary school para sa nalalapit na face to face classes

LEGAZPI CITY – Nagsagawa ng area assessment ang myembro ng Municipal at Barangay Composite Teams ng Camalig Albay sa Taloto Elementary School para sa nalalapit nitong re-opening ng face-to-face classes.

Ang nasabing aktibidad ay isinagawa upang matiyak ang kahandaan ng mga paaralan na lumahok sa pilot implementation ng f2f learning na alinsunod sa Division Memorandum No. 37, s. 2022 ng Department of Education, na reiterating guidelines in the preparation for f2f learning, expansion, and transition to the New Normal.

Kasabay rito naglabas rin ang LGU-Camalig ng Executive Order No. 10, s. 2022 o mas kilala bilang, “An Order Reiterating Protocols Under Alert Level 2 in the Municipality of Camalig, Albay” na kung saan ang mga tauhan sa ilalim ng Municipal Health Office , Municipal Disaster Risk Reduction & Management Office , Municipal Engineering Office , Philippine National Police , at mga lokal na opisyal ay magsagawa ng mga interbensyon na nakatuon sa public health, safety, at peace and order.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Matapos ang area assessment, ang Taloto Elementary School ay maari nang mag accommodate ng school staff at learners sa kondisyong patuloy parin ang pag sasagawa ng proper solid waste management, sanitation.  

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Regularly observe ang minimum public health standards set by the Department of Health partikular na pagsusuot ng face mask, social/physical distancing, wastong kalinisan ng kamay, at iba pang pag-iingat na naaangkop sa lugar ng paaralan.

Dagdag pa rito, inaasahan din ang pag facilitate ng regular sanitation operations kasama ang health declaration sheets sa pakikipag ugnayan sa Municipal Epidemiology & Surveillance Unit.

Layunin nito na mapabuti ng mga kasanayan sa komunikasyon ng mga empleyado at pagtiyak na malinaw, propesyonal, at madaling maunawaan ang mga komunikasyong sa pagsalita at pagsusulat.