KORONADAL CITY- NAGPAALALA ang Department of Labor and Employment o DOLE Region 12 sa lahat ng mga employers na magsumite ng report kaugnay sa compliance ng mga ito sa13th Month Pay Law.
Ang deadline nito ay itinakda sa January 15, 2022.
Dahil sa ipinatutupad na COVID 19 preventive measures, inaatasan ang mga employers na magsumite ng report sa pamamagitan ng DOLE Establishment Report System sa reports.dole.gov.ph.
Ang 13th month pay ng mga empleyado ay dapat naibigay na noong December 24.
Kabilang sa compliance report ang pangalan at address ng establisemento; principal product o business; total employment; total number of workers na nabigyan ng benepisyo; halaga ng ibinigay sa bawat empleyado; total amount ng benepisyo na ibinigay; at pangalan, posisyon at contact number ng representante ng kompanya.
