Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P5.024-trillion national budget para sa 2022.
Sa isinagawang ceremonial signing sa Malacañang pinirmahan ng Pangulo ang General Appropriations Act for 2022 na naglalaman ng mga pondong gagamitin panlaban sa epekto ng pandemya.

Kabilang na dito ang ₱50 billion na special risk allowance para sa mga healthcare workers at P50-billion din na pambili ng COVID-19 vaccines para sa booster shots.
Maliban dito inihayag ng Malakanyang nakapaloob din sa 2022 budget ang perang gagamitin ng gobyerno para muling makabangon ang mga lugar na sinalanta ng bagyong Odette.
Samantala kasabay nito, nilagdaan din ng Pangulo ang batas na bubuo sa Department of Migrant Workers.