Christmas string lights sa Rizal St., Daraga, Albay, paiilawan sa darating na Linggo

LEGAZPI CITY – Ibabalik na ng lokal na pamahalaan ng Daraga, Albay ang Christmas string lights sa kahabaan ng Rizal Street sa darating na araw ng Linggo, Nobyembre 20, ngayong taon.

Ayon kay municipal Mayor Awin Baldo, magsisimula ang pagpapailaw sa Christmas string lights sa ganap na alas 6 ng gabi kasama ang mga local officials ng LGU bilang bahagi ng pagdiriwang sa nalalapit na kapaskuhan.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Aniya, halos dalawang taon din na naranasan ng bansa ang pandemya, kung saan walang mga gawain ang bayan dahil sa mga health protocols na ipinatutupad at limitado ang kilos ng mga tao.

Dagdag pa nito, kahit pa nakakaranas pa rin ng paghihirap at pagod, hindi pa rin dapat sumuko upang makamit ang tagumpay at pangarap.

Binigyang-diin din nito na tiwala sa sarili ang kailangan ng mga tao upang malampasan ang anumang pagsubok.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Sinabi pa ng opisyal, sama-samang masasaksihan ng publiko ang pagpapailaw ng mga ito sa nabanggit na lugar.

Samantala, mayroon ding throwback photo contest ng na pailaw noong 2018 upang mas maging masaya ang pagdiriwang.

Sisimulan ang nasabing paligsahan sa Nobyembre 20, alas 6 ng gabj at iaanunsyo sa Nobyembre 30 ang mapipiling mananalo.