Mga doktor sa Nigeria nagsagawa ng nationwide strike dahil sa ‘poor welfare’

Apektado ang maraming pasyente sa Nigeria kasunod ng isinasagawang nationwide strike ng mga doctor.

Ayon sa ilang pasyente na umaasa ng treatment sa colon cancer, wala silang choice kundi ang maghintay na puntahan sila ng mga doctor.

Inihayag naman ng National Hospital staff, hindi sila tumatanggap ngayon ng pasyente na mayroong seryosong medical needs dahil walang mga doktor na titingin sa mga pasyente.

Iprinoprotesta ng mga doktor sa mga state-run hospitals ang “poor welfare” nila sa gitna ng resurgence ng COVID-19 infections.

Iginiit ng National Association of Resident Doctors na umbrella body ng mga doctor sa Nigeria na napapabayaan ang health sector sa kanilang bansa .

Napag-alaman na mga nurses na lamang ang tumitingin ngayon sa kapakanan ng mga pasyente.