UK nakikipag-usap sa Taliban para sa safe passage ng mga British sa Afghanistan

Tuloy ang pakikipag-usap ng United Kingdom sa Taliban para makakuha ng safe passage palabas ng Afghanistan para sa mga British nationals at mga Afghans.

Ayon sa report, isinasagawa ang pag-uusap ng dalawang panig sa Doha Qatar.

Napag-alaman na nasa 150 hanggang 250 pang eligible for relocation at kanilang pamilya ang nananatili sa Afghanistan.

Sinabi ng isang No 10 spokesman na bumiyahe sa Doha Qatar si Simon Gass na siyang special representative for Afghanistan transition ng Prime Minister para makausap ang mga senior Taliban representatives hinggil sa kanilang kahilingan

Una nang sinabi ni UK Foreign Secretary Dominic Raab na nakapaglikas na ang kanilang tropa ng 17,000 na tao kabilang ang 5,000 UK nationals.

Matatandaan na inihayag ng Taliban na papayagan naman nilang lumabas ng Afghanistan ang mga mayroong otorisasyon.