NAGA CITY- Tunay ngang walang pandemyang nakakahadlang sa pananampalataya , mula sa mga maliliit na mga parokya hanggang sa mga malalaki at klalang mga simbahan sa Naga nakita ang mga devoto ni Nuestra Señora De Peñafrancia at El Divino Rostro.
Sa Naga City , labas pasok ang mga mananampalataya sa Peñafrancia Shrine, Basilica Minore, Naga Cathedral at ilang pang simbahan. Dahil kailangang masunod ang minimum seating capacity, nag set up ng malaking monitor sa labas ng Naga Cathedral at Basilica upang makikita parin ng mga nasa labas ang altar at ang nagmimisa.
Kinailangan rin maglagay ng mga upuan sa palibot dahil marami ang mga hindi na pinapasok. Ang iba naman tumayo o kanya-kanyang pwesto na lamang sa patio ng simbahan.
Nagbantay ang PNP, Public Safety Office Personnel at mga volunteers upang masunod ang health protocols. Naghigpit din sa mga dayong pilgrims.
Ayon kay Archdiocese of Caceres Archbishop Rolando Tirona, OCD,D.D, maswerte ang Naga dahil tinawag na Pilgrim City at hindi ito maikakaila kahit na nasa pandemya pa.
Kung walang pandemya, milyong devoto ang dumarayo sa Naga.