Nararanasan ngayon ng Pilipinas ang 4th wave at pinaka-severe na level ng COVID-19 infections nang walang senyales na nag-i-slowdown na ang pagkalat ng sakit.
Ito ang pahayag ni Philippine College of Physicians President Dr. Maricar Limpin.

Sinabi ni Limpin na masyado nang mataas ang 30% na positivity rate o ang bilang ng mga infected na indibidwal.
Ayon kay Limpin, kahit available na ang bakuna, napalakas pa rin ng Delta variant ang infection kaya patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga nagkakasakit.
Sang-ayon naman si Limpin sa assessment ng Department of Health na hindi pa naaabot ang peak ng infection sa bansa kahit na umabot pa sa mahigit 26,000 ang single-day case count.
Tinukoy ni Limpin ang April 2020 na unang wave ng daily cases sa bansa, August 2020 ang ikalawang wave at April 2021 ang ikatlong wave. (LEO NAVARRO-MALICDEM)