Mga delegates ng Koronadal sa Palarong Pambasa 2023 nakatanggap ng cash allowance

KORONADAL CITY- NAKATANGGAP ng tig- P10,000 na cash allowance ang nasa 64 na mga official delegates ng Koronadal sa nagpapatuloy na Palarong Pambasa 2023 sa Marikina City.

Ito ang inihayag ni Jonathan Enmanuel, City Sports Coordinator ng Koronadal sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Ayon kay Enmanuel, nasa P640, 000 ang inilaang pondo ng lungsod para sa nasabing allowance ng mga delegado.

Kabilang sa mga ito ang 13 na mga coaches, 5 na mga delegation officials, at 46 na mga atleta.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Dagdag pa ni Enmanuel, panalo man o talo natanggap ng mga delegado ang kanilang allowance.

Napag-alaman na ngayon araw magtatapos na ang Palarong Pambasa 2023 kung saan base sa latest data nakakuha na ang Rehiyon Dose ng 13 na gold; 14 silver at 20 na bronze.