NAGA CITY – Posibleng matuksong gumamit ng anumang illegal drugs tulad ng Marijuana at Shabu ang mga Person Who Used Drugs o PWUDs ngayong panahon ng Pasko at Bagong Taon, dahil na rin sa mga okasyon at party na dinadaluhan ng mga ito.
Marami pa rin ang inaalagaang PWUDs ng Naga City Dangerous Drugs Board,na ang ibasa mga ito ay nasa After Care na rin kaya kailangan na mabantayan ng maigi para hindi matuksong gumamit uli ng illegal drugs.
Sa panayam ng Brigada News Fm Naga kay Toti Importante,head ng NCDDB,sinabi niyang may mga personahe ng Naga City Police Office ang nakabantay o naka –monitor sa galawan ng mga PWUDs pati na rin ang mga barangay opisyal.
Regular din ang pakikipag-ugnayan nina Importante sa Phil Drugs Enforcement Agency na anumang oras handing hulihin ang sinumang PWUDs na babalik sa pagda-drugs.