Mga dahilan ng pagtataas ng mga presyo ng commodities sa mga establisimento, inilahad ng DTI Albay

Inihayag ng Department of Trade and Industry (DTI) Albay na mayroong mga establisyimentong nagtataas ng presyo ng mga basic and prime commodities na lagpas o sagad sa 10% dagdag.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi, sinabi ni DTI Albay Provincial Director Dindo Nabol na ang mga lumalagpas sa 10% increase ay binibigyan nila ng letter of inquiry at pinapapunta nila sa kanilang opisina upang personal na magpaliwanag.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Aniya, kadalasan sa mga nagiging dahilan nito ay iyon umano ang ibinigay na rate ng kanilang mga supplier o manufacturer.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Ang itinuturong dahilan naman ng mga manufacturers tungkol dito ay ang pagtaas ng presyo ng gasolina. Dagdag pa niya, may mga backward linkages umano ito o mga bagay na umaambag sa pagtaas ng mga presyo.