Albay Gov. Lagman, pag-aaralan ang mga posibleng solusyon sa octopus wiring sa lalawigan

Pag-aaralan ngayon ni Albay Gov. Atty. Edcel “Grex” Lagman ang ilang mga hakbang at suhestyon para masolusyunan ang octopus wiring na isa sa mga suliranin sa lalawigan.

Aniya, titingnan nito ang maaaring maging solusyon sa problema ng Albay upang hindi na ito paulit-ulit o o pabalik-balik pa.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Nakatakda rin umanong bumisita si ALECO Acting General Manager Wilfredo Bucsit para sa mga kontratang naisumite sa nakalipas na pamamahala ng Albay Power and Energy Corporation (APEC).

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Kaugnay ito ng patuloy na banta na maaring idulot ng octopus wiring sa iba’t-ibang bahagi ng lalawigan ng.

Sinabi ng opisyal na hihimayin nito kung mayroong ‘existing contract’ ang ilang mga telecommunications company sa lalawigan.