Mga dahilan ng hindi pagkakaroon ng international flights sa Bicol International Airport, ipinaliwanag ng gobernador ng Albay

LEGAZPI CITY – Ipinaliwanag ng Gobernador ng Albay na may isyu pa rin kung bakit hindi nabubuksan o nagkakaroon ng international flights sa Bicol International Airport (BIA).

Ayon kay Gov. Noel Rosal ng Albay, may mga technical issues pa rin na kinakaharap ang BIA kung kaya’t hanggang ngayon ay wala pa ring international flights.

Read More:  Tragic outing ends in heartbreak as 19-year-old drowns in Cebu sea; two friends survive

Kabilang sa mga isyu sa airport ay ang NGCP line at landing area.

Kailangang tiyakin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Albay na maayos ang problema sa airport para sa kaligtasan ng mga pasahero at mga turista na dumarating sa lalawigan.

Read More:  Habagat batters Davao Region: 909 families affected, four dead, five missing

Sa oras na mabuksan ito ay inaasahan na dadami ang mga turista at mapapataas ang ekonomiya ng lalawigan. Sinabi ng opisyal, inaasahan din nito na magbubukas  na o magkakaroon na rin ng regional flights or air asia ang BIA bago umano magtapos ang taon ito.