LEGAZPI CITY – Target na tapusin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang konstruksyon ng Bicol University Convention at angDisaster Risk Reduction and Management (DRRM) Center sa loob ng nasabing pamantasan ngayong taong 2022.
Ayon kay Lucy Castañeda, Regional Spokesperson ng nasabing tanggapan, nasa 80% na ang natatapos na proyekto kung saan nagsimula lang ito noong Oktubre, taon 2018.
Ang pondo ng nasabing proyekto ay mula sa General Appreciation Act (GAA) sa taon 2018 hanggang 2022 na umaabot sa P600M ang halaga ng konstruksyon.
Aabot sa 15, 272 square meter ang total floor area na 3-storey building na kinabibilangan ng convention areas, storage room, meeting rooms, training rooms, operation room, lactating rooms for mothers at marami pang iba.
Ang konstruksyon ng Convention Center na inilagay sa BU ay sa kadahilanan na ring nangangailangan ng malaking center, madaling maaccess ng mga top officials, tulad ng disaster meetings at iba pa.
Inaasahan ng opisyal, sa taong 2023 sa unang quarter ay magiging operational na at magagamit na rin ang nasabing pasilidad.
Samantala, nangangailangan pa rin ng karagdagang budget para sa konstruksyon sa landscaping, finishing and site development area sa taon 2023.