LEGAZPI CITY – Mas ikinaalarma ng Legazpi City Water District ang patuloy na pagtaas ng kanilang Non-Revenue Water (NRW) sa lungsod.
Ayon kay Ave Florinda Buban, Acting General Manager ng LCWD, umaabot na sa 35% ang kanilang NRW o linkage na nawawalan ng tubig dahil sa mga tagas ng tubo o kaya naman pagnanakaw sa kanilang supply ng tubig.
Aniya, ang nasabing porsyento ng NRW ay mas mataas kumpara sa mga nakalipas na taon.
Umabot na rin ito sa 40% subalit naipababa nila ito ng limang porsyento matapos ang kanilang imbestigasyon sa mga natatanggap nilang reklamo mula sa mga residente o barangay.
Marami pa rin umano ang gumagawa ng tampering, illegal connection, flushing o hindi gumagana na metro sa tubig na naging dahilan rin ng pagtaas nito.
Target rin ng LCWD na maibaba pa o maging zero percent ang NRW upang walang nasasayang na tubig sa mga barangay. Pakiusap ng opisyal na ireport agad ang mga ganitong maling sistema na pagnanakaw upang mabigyan na mabilis na aksyon.