Brigada Group CEO/ Chairman Elmer V. Catulpos, Vice Chairman Yelcy Y. Catulpos, nakisaya sa victory party ng BNFM Koronadal!

KORONADAL CITY — NAPUNO ng saya ang ng victory celebration ng 95.7 Brigada News FM Koronadal matapos kinilalang Dominant Overall Number 1 Radio Station sa Koronadal, buong South Cotabato at karatig-lalawigan sa kalalabas lamang na 2023 Kantar Media Survey Result.

Kaugnay nito, kinilala ni Vice Chairman Yelcy Yasay Catulpos o mas kilalang YYC ang resulta ng survey at napakagandang performance ng buong team ng Brigada Koronadal.

Para kay YYC, hindi na bagong kilalanin ang Brigada News FM Koronadal bilang No. 1 radio station sa Koronadal dahil walong taon na itong tinatamasa ng istasyon dahil na rin sa suporta ng publiko.

Hamon naman nito sa team ng Brigada News FM Koronadal na ipatuloy ang momentum at magandang trabaho upang mapanatili ang napakataas na listenership.

Sa resulta ng 2023 Kantar Media Survey Result, kinilala ang Brigada News FM Koronadal bilang overall number 1 radio station sa buong Koronadal ayon na rin sa 66.97% na listenership rating na nakuha.

Para naman sa ama ng Brigada na si CEO/Chairman Elmer Catulpos, dapat umanong ipanatili ang pagiging tapat sa trabaho at isapuso ang prinsipyo ng kompanya sa pagbibigay ng serbisyo.

Kinilala din nito ang Brigada News FM Koronadal bilang modelo ng lahat na mga Brigada News FM stations sa buong bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *