Yeng Constantino at Ryan Bang, muling nagpakilig

Kahit may mga sari-sarili ng lovelife, muling pinakilig nila Yeng Constantino at Ryan Bang nang muling magkita ang dalawa.

Kung maalala, napabalitang niligawan ni Ryan si Yeng noong 2010.

Matapos kasi ang performance ni Yeng sa isang noontime show, kinantsawan ng mga co-host si Ryan sa OPM singer matapos nilang aksidente magkatabi.

Pagtutukso ni Darren Espanto, baka pwedeng maging wedding singer si Yeng sa kasal ni Ryan at ng kanyang  non-showbiz girlfriend na si Paola Grace Huyong.

Sagot naman ni Yeng, naghihintay lang siya ng imbitasyon ni Ryan, dahil kahit sa bahay pa nila ganapin ang kasal ay pupunta siya rito. Dagdag pa nitong ang blooming ni Ryan na ngayon ay masayang masaya sa ka-relasyon.

Naudlot ang pag-iibigan nila Yeng at Ryan nang bigla na lamang huminto si Ryan na suyuin si Yeng sa pag-aakalang ayaw ng singer sa kanya.

Paglilinaw noon ni Yeng, hindi niya binasted si Ryan at kusa lang ito tumigil, na siyang ikinalungkot ng OPM singer.