Mga business establishments sa Naga hinikayat na sikaping magkaroon ng safety seal

NAGA CITY- Mahalagang may safety seal ang isang business establishment. Ito ay upang mabatid ng mga papasok , na ang mall, department store, mga kainan at iba pa ay mahigpit na sumusunod sa health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Bukod dito ang mga may safety seal din ang nadagdagan ng capacity sa ilalim ng General Community Quarantine na quarantine classification ngayon ng Naga City.

Read More:  Rescued Philippine eagle survives critical injuries in Bukidnon as experts find airgun pellets

Inihayag sa BNFM Naga ni City Events Protocol and Public Information Chief Allen Reondanga na umiikot ang team ng Arts Culture and Tourism Office  (ACTO) kasama ang ilang opisinang nakatalaga sa COVID- response.

Mayroon ding inilabas na google forms para sa aplikasyon , (bit.ly/nagasafetyseal) kung saan may checklist ng mga dapat ma comply.

Read More:  Volunteer teacher helps pupils cross swollen river after class in Negros

Pag-uusapan naman sa konseho kung ano ang magiging parusa sa mga matatanggalan nito kaya hindi dapat makampante o maging relax sa protocols.

Hinihikayat ni Mayor Nelson Legacion ang mga pamunuan na sikaping magkaroon at mapanatili ang safety seal.

Isang malaking mall na ang mayroon nito sa lungsod.