NAGA CITY- Siksikan at mahaba ang pila sa mga bus sa Bicol Central Station nitong weekends. Ito ang naobserbahan ng mga pasahero patungo sa ilang mga bayan sa Camarines Sur at mga papunta sa Maynila.
Ang sitwasyon ito ay naobserbahan din ng Brigada News FM Naga at ayon kay Terminal Manager Nonoy Reforsado, mas marami ang mga luluwas ng Maynila, maraming pasahero mula sa iba’t –ibang bayan na naubusan na ng bus sa mga local terminals kaya pumunta sa Naga. Dagdag nito, fully booked ang mga bus papuntang Maynila simula pa noong Huwebes May 30, 2024.
Posible aniya na dahil ito sa pagsisimula ng bakasyon sa eskwela. Kaya naman, inabisuhan na ng pamunuan ng terminal ang mga bus company na maghanda lamang ng kanilang units dahil posible pa ang dagdag ng mga pasahero sa susunod na weekends.