Mga buntis pinapayuhan ng CHO na magparehistro na kung nais magpabakuna

Pinapayuhan ng Olongapo City Health Office ang mga buntis na magparehistro ng maaga kung nais magpabakuna kontra covid-19.

Maaaring magparehistro sa online o kaya makipag-ugnayan sa mga barangay para maasistehan.

Read More:  Newborn baby found abandoned in Cebu without clothing

Ayon kay Dra. Louella Aquino, Obstetrician-Gynecologist ng James L. Gordon Memorial Hospital, sa guidelines, maaaring magpabakuna ang mga buntis ng mula 14-weeks o tatlo’t kalahating buwan.

Kailangan lamang walang sintomas tulad ng lagnat, ubo, sipon, walang pagdurugo na nararanasan at paghilab ng tiyan.

Read More:  2 dead, several injured as century-old mango trees crush Davao homes

Kung ang buntis naman ay isang healthcare worker pero nasa dalawang buwan pa lamang nagdadalantao, ito ay isang special case pero dapat ay mayroong rekomendasyon mula sa kanyang ObGyne.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

No photo description available.