Mga bugaw, binulabog ng Anti- Crime Task Force; nanghahabol ng patalim

Mabilis na nagpulasan ang mga bugaw sa paboritong spot- Fernandez St. Barangay Tanglaw sa Puerto Princesa matapos na bulabogin ng Anti-Crime Task Force kagabi.

Pero malaking problema pa rin ito hanggang ngayon ng barangay dahil hindi pa rin lumalayas, ayon kay Kapitan Elena V. Baradas.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

May pagkakataon pa raw na ang mga tanod ang hinahabol ng mga matatapang na bugaw habang may bitbit na patalim.

Nagreresulta umano ito sa pagbaba ng moralidad ng Barangay Tanglaw dahil sa hindi pa rin nasosolusyunan na problema.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Kaugnay nito, aapela ang barangay sa Provincial Capitol upang matulungan sila ng mga gwardya ng capitol complex para bugawin ang mga “Kalapating mababa ang lipad”.