5-Day training ng mga rescuers sa Cagayan at Cauayan City, Matagumpay na isinagawa

Pinangunahan ng Cauayan City Rescue 922 at Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction ang Management Office ang limang araw na Flood Swift Water Rescue Training sa Maddela Quirino.

Inihayag  ni Dennis Naceno, isa sa mga trainer na akma umano ang probinsya ng Quirino sa kanilang pagsasanay kung saan layunin nitong madagdagan pa ang kaalaman ng mga responders na tiyak na magagamit sa oras ng kalamidad.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Mayroon din aniyang 10 trainers mula sa Cauayan City Rescue 922 ang nagsanay sa 22 responders ng TFLC at PDRRMO.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Bukod dito, ang naturang pagsasanay ay bilang paghahanda din ngayong disaster season upang mas maging alerto ang mga responders na nakatakdang magsanay pa sa ibang lalawigan.