Mga BJMP facilities sa Camarines Norte ginawaran ng Safety Seal Certificate

CAMARINES NORTE- Ginawaran ng Safety Seal Certificate ng Provincial Validation Team ang Bureau of Jail Management and Penology facilities sa lalawigan ng Camarines Norte kabilang na dito ang Daet at Labo District Jail sa pamumuno ni Provincial Jail Administrator Jail Senior Inspector Ramon A Rafe

Ang  naturang sertipikasyon ay iginagawad upang makatiyak na ang isang tanggapan o iba pang pampubliko at pribadong establisyimento ay sumusunod sa minimum public health standards alinsunod sa Joint Memorandum 21-01

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Ang provincial validation team ay binubuo ng DILG, PNP at BFP.

Read More:  2 men killed, 2 women injured in Cotabato City ambush

Samantala, pinaalalahanan ng pamunuan ng BJMP sa lahat ng mga bibisita sa mga piitan sa lalawigan na magdownload ng staysafe.ph app o i-scan ang QR Code na matatagpuan sa entrance gate ng piitan at sumunod sa mga procedures na isasagawa ng mga duty jail officers

Hanggang sa kasalukuyan nananatiling COVID-19 free ang lahat ng mga piitan sa Camarines Norte