CAMARINES NORTE- Umaabot na sa 103 ang bilang ng mga naitatalang kaso ng COVID- 19 sa bayan ng Talisay, Camarines Norte matapos na makapagtala ng 13 bagong kaso kahapon
Batay ito sa datos na ipinalabas ng Municipal Health Office as of Sepetember 05, 2021.
Bunsod nito sumampa na sa 33 ang aktibong kaso ng COVID- 19 sa naturang bayan
Nangunguna sa may pinakamaraming aktibong kaso ang Brgy Poblacion na may 11, sinundan ito ng Brgy Binanuuan na may 5 kaso , tig-3 kaso ang Brgy San Francisco at Sta. Elena
May tig-2 kaso naman ang mga Barangay ng Calintaan, San Jose at Sto Nino
May tig-i-isang kaso naman ang mga Barangay ng Caawigan, Gabon, Itomang at Sta. Cruz
Zero case naman sa COVID-19 ang nasa apat na Barangay na kinabibilangan ng Cahabaan, Del Carmen, San Isidro at San Nicolas
Habang ang bayan ng Talisay ay may naitatala ng 67 pasyente na gumaling sa sakit at 4 ang nawalan ng buhay dahil sa COVID-19
