NAGA CITY – Isailalim sa tatlong linggong Enhanced Community Quarantine ang lungsod ng Naga para mabawasan ang patuloy na pagdami ng kaso ng Corona Virus Disease.
Ito ang isa sa napag-usapan kahapon sa ginawang meeting ng Tarabangan Kontra COVID, na dinaluhan ng ilang mga City Councilors at ng mga department head, pati na rin ng ilang miyembro ng Health Emergency Response Task Force (HERTF).
Kabilang sa miyembrong dumalo sa naturang meeting ng Tarabangan Kontra COVID ay si Liga President , City Councilor Dodit Beltran ,sinabi nito sa Brigada News FM Naga na panahon na para muling isailalim sa ECQ ang Naga City dahil nga sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa lungsod, patunay nito ang 88 kaso noong Sabado, at 47 naman kahapon.
Kailangan aniyang gawin ito para hindi masakripisyo ang kalusugan at buhay ng bawat mamamayan sa mapanganib na virus.
Matatandaan na una na ring tinanggihan ng konseho ang planong ito dahil nga sa maaapektuhan na naman ang ekonomiya ng lungsod, pati na rin ang trabaho ng mamamayan.
Anya’y kailangan na mag desisyon na at dapat ECQ ang Naga City sa loob ng tatlong linggo sabi pa ni Beltran.
Ang planong ito ang isa sa mahalagang agenda na tatalakayin sa gagawing regular session ngayong umaga sa Sanggunang Panglungsod.