Mga Bicolano, pinaghahanda at pinag-iingat sa posibleng epekto ni super typhoon “Betty” sa rehiyon

LEGAZPI CITY – Kanya-kanyang paghahanda ang ginagawa ngayon ng bawat Provincial at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (PMDRRMC) para sa posibleng epektong idulot ni super typhoon “Betty” sa Bicol Region.

Ayon kay Office of the Civil Defense (OCD) Bicol Spokesperson, Gremil Alexis Naz, pinaghahanda at pinag-iingat ngayon ang mga Bicolano sa posibleng maranasan o epekto nito dahil sa kalakasan ng nasabing bagyo.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Aniya, hindi man direktang tatama sa kalupaan ng rehiyon subalit mas mainam pa rin na may paghahandang ginagawa ang mga Local Chief Executives upang maiwasan ang anumang insidente.

Dagdag pa nito, hindi pa rin mawawala ang pagpapatupad ng pre-emptive evacuation ng mga LGUs o MDRRMOs dahil may mga lugar o barangay na maaaring makaranas ng pagbaha.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Hinikayat ngayon ang mga pamilya o barangay na ihanda ang kanilang mga kagamitan sakaling magpatupad nito anumang oras dahil sa posibleng buhos ng malakas na ulan.

Maging ang nasa upland barangays ay maaari rin ilikas dahil posible ring maranasan ang pagguho ng lupa o landslides sa lugar.