Mga beach destination sa East and West side sa Albay dinagsa noong summer season

LEGAZPI CITY- Inihayag ng Albay Provincial Tourism Office (APTO) na malaking pagbaba ang Community Quaratine Status sa Alert Level 1 covid 19 sa lalawigan ng Albay dahilan na nagkaroon ng kompyansa ang mga turista na bumisita sa lalawigan.

Ayon kay Dorothy Colle, ang head ng nasabing opisina, dinagsa ng mga turista ang mga beach destination sa East and West Side sa nasabing lalawigan sa panahon ng summer season kung saan Dahil dito nagkaroon ng tourism activities ang bawat beach resort sa lalawigan upang maipakita sa mga turista ang kagandahan ng mga ito.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Kabilang sa mga dinarayo ng mga turista ay magmula sa Cagraray Island LGU Bacacay, San Miguel Island ng Tabaco City, Tiwi at Sto Domingo Albay habang sa West Coast ang Libon, Polangui, Oas Ligao City, at bayan ng Pioduran. Sinabi ng opisyal, hindi ang nasa local tourist ang nagsipagpuntahan sa nabanggit na lugar maging karatig na lalawigan o Rehiyon.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire