Texas—Nag trending sa social media kamakailan ang post ng isang ina mula sa Texas U.S.A matapos nitong ibahagi ang ginawa ng kanyang dalawang taong gulang na anak.
Ayon sa Facebook post ni Kelsey Burkhalter Golden, sandali niya lamang aniyang iniwan ang kanyang smartphone ngunit sakanyang pagbalik ay nakita niyang hawak at pinakialaman na ito ng kanyang dalawang taong gulang na anak na si Barrett.
Dito niya na nadiskubreng aksidenteng nakapag order ang kanyang anak ng hindi lamang isa kundi 31 piraso ng cheeseburgers mula sa sikat na fast food resto sa lugar sa pamamagitan ng food delivery service na DoorDash.
Bagaman ikinatuwa ng mga netizens, sinabi ng mga itong swerte pang maituturing na tanging mga cheeseburgers lamang ang inorder ng kanyang anak dahil mayroong mga katulad na insidente kung saan mamahaling cellphones at concert tickets ang inorder ng bata gamit ang account ng kanilang mga magulang.
Wala na rin aniyang nagawa si Kelsey kundi tanggapin ang food deliveries at dahil sobra-sobra ito para sakanila, ang iba ay kanyang ipinamahagi sakanyang mga kapitbahay.### JDR, BNFM Bicol