Mga batang nasa Children’s Home, nabigyan ng tulong ng BNFM Naga

NAGA CITY- Bibong mga nakangiting mga bata ang sumalubong at bumati sa Brigada News FM Naga sa pagbisita sa Children’s Home bitbit ang school supplies.

Isa-isa nilang tinanggap ang regalo at maya-maya pa’y sinilip at binuksan na. Ang aktibidad ay parte ng selebrasyon ng ikawalong anibersayo ng Brigada News FM Naga at Brigada News FM Goa, Camarines Sur.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Ang 32 mga bata at binatilyo ay ang mga narescue ng City Social Welfare and Development Office na namamalimos, mga Children Needs Special Protection (CLSP), Children at Risk (CAR) at mga Children In-Conflict with the Law (CICL).

Ayon sa social worker na si Jocelyn Aguila, maayos ang lagay ng mga bata, asikaso ng LGU,  mga pribadong institusyon at indibidwal o grupo. May regular na klase ang mga bata sa loob dahil may assigned teacher din mula sa Pacol Elementary School, mayroon ding Alternative Learning System (ALS).

Read More:  5-year-old boy dies after falling into pit in Davao City

Malaking pagsubok lamang kina Aguila ang iba’t-ibang ugali dahil iba-iba ring tahanan ang pinanggalingan at lumaki sa kalsada. Gayunpaman, masaya sila sa mga mabuting pagbabago at pag-angat ng mga bata na kanilang kinakalinga.