Alejano – planong mag-comeback sa Kamara

Pormal nang inihain ngayong araw ng Magdalo Partylist ang kanilang certificate of nomination and acceptance para sa paparating na midterm election.

Kung saan si dating Congressman Gary Alejano ang first nominee nito at kasama niya rito sina Eugene Gonzales, Yvonne Jereza at pito pang iba.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Samantala, sumama naman din si dating senador Antonio Trillanes IV sa paghahain dito bilang pagpapakita niya ng kanyang suporta sa partido.

Ayon kay Alejano, kung sakaling makabalik sila sa pwesto ay handa silang maghain ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Maalala, ang partidong ito kasama si Trillanes ang nagsampa ng kaso sa International Criminal Courts laban kay dating pangulong Rodrigo Duterte dahil sa extrajudicial killing.