Proposed Annual Budget ng LGU Naga para sa 2025, inaasahang ilalatag sa konseho ngayong Oktubre

NAGA CITY – Nakatakdang ilatag sa konseho ng Sangguniang Panglungsod ng Naga ngayong darating na Okbore 15 ang proposed annual budget ng City Government para sa taong 2025 at asahan na mas mataas ito kung ihahambing ngayong taong 2024 na nasa 1.6 bilyong piso,ayon kay City Councilor Jess Albeus,chairman ng Appropriation Committee.

Read More:  Tragic outing ends in heartbreak as 19-year-old drowns in Cebu sea; two friends survive

Sa kanyang pahayag sa Brigada News FM Naga, sinabi ni Albeus na ang pagbabatayan ng magiging budget para sa susunod na taon ay iyong ginawang public presentation ng bawat department heads na nagpresenta ng kani-kanilang programa na may kaakibat ding budget proposal.

Anya’y nasa kamay na ito ng office of the city mayor ang paglalagay ng pondo sa bawat departamento depende sa programa at pangangailangan ng mga ito para sa mga mamamayan sa lungsod .

Read More:  2 men killed, 2 women injured in Cotabato City ambush

Alam na rin ni Albeus ang inaasahan nilang magiging pondo ng LGU Naga sa susunod na taon,ngunit hindi niya na muna ito binanggit kung magkano.