Mga batang kasama sa sementeryo sa Legazpi City, nilagyan ng wrist name tag ng PNP

LEGAZPI CITY – Upang maiwasan ang mga insidente ng mga bata na nawawalay sa kanilang mga magulang o guardian o mawala sa mga sementeryo, isang inisyatiba ang isinagawa ng Legazpi City PNP kaugnay ng pagbisita ng mga tao sa mga sementeryo.

Read More:  High school students stabbed after street attack in Davao City; six minors taken into custody

Ang mga tauhan ng nasabing himpilan, naglagay ng wrist name tags sa mga batang may edad 10 taong gulang pababa kahapon.

Laman ng bawat wrist name tag ang pangalan ng bata at contact number ng kanilang magulang o guardian.

Read More:  Former Leyte vice mayor, son found dead; 3 arrested

Layunin nito na mas madaling mahanap ang kanilang mga kasamang paslit sa kaling mahiwalay ito sa kanila sa loob ng sementeryo.

Ayon sa himpilan, prayoridad nila ang kaligtasan ng mga batang kasama ng kanilang mga magulang sa pagbisita sa mga sementeryo.