Mga batang hindi bakunado di pinapasok sa ilang sementaryo sa Maynila

Bago pa man ang mismong All Saints’ Day at All Souls’ Day – nag-umpisa nang magdagsaan kahapon sa mga sementeryo ang mga Pilipino para bisitahin ang kanilang mga yumaong kaanak.

Ito ay para hindi na makasabay sa inaasahang mas marami pang mga tao na magsisipuntahan sa mga sementeryo simula ngayong November 1.

Kahapon, umabot na sa halos 100,000 ang mga bumisita sa iba’t ibang mga pangunahing sementeryo sa Metro Manila.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Sa Manila North Cemetery, tinatayang umabot sa halos 50,000 ang dumalaw sa puntod ng kanilang mga kaanak.

Hindi naman na pinayagang makapasok pa ang iba pang mga nakapila sa labas dahil mayroon lamang cut-off ang Manila North Cemetery.

Tinatayang aabot naman sa 16,500 ang mga nagsipagpuntahan sa Manila South Cemetery.

Sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig, nagsagawa ng pagtitirik ng kandila at mga maliliit na Watawat ng Pilipinas sa mga puntod ng mga nakalibing doon sa pangunguna ng Philippine Army at ng mga Girl Scouts at Boy Scouts of the Philippines.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Sa Quezon City, umabot sa mahigit 14,000 na mga indibidwal ang bumisita sa Holy Cross Cemetery.

Mahigpit din ang seguridad sa Loyola Memorial Park sa Marikina City kung saan, tinatayang umabot sa mahigit 6,000 ang mga bumisita kahapon.

Dumagsa na rin kahapon ang mga bumisita sa Manila Memorial Park.