Mga bata karamihang tinatamaan ng COVID-19 sa Naga City; hospital care utilization rate sa lahat ng kaso mababa

NAGA CITY- Mga bata ngayon ang karamihang tinatamaan ng COVID-19 sa Naga City base sa tala ng City Health Office, kumpara sa mga may edad na.

Pagbabakuna sa mga edad 5-11 anyos ang pinaghahandaan ng Naga. Pebrero 4, ang nais ng pamahalaan na simulan na ang pagbabakuna sa naturang age group. Sinabi ni  National Task Force Against COVID-19 Chief implementer Carlito Galvez Jr. na dapat mayroon nang mga meeting at training ngayong linggo para sa paghahanda sa isa pang pediatric population.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Sa kabila ng mabilis na pagtaas ng kaso ng sakit mababa ang hospital care utilization rate o kakaunti ang kailangan dalhin sa ospital sa lungsod.  Ito ay ayon kay Willy Prilles ng City Planning Office at Analytics Team.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Una nang sinabi ni Dr. Borja na ikinakabit nila ito sa pagiging bakunado.