Ramdam ang tensyon karagatan ng PAG-ASA Island na nasaksihan mismo ni National Security Adviser Eduardo Año sa pagbisita niya roon.
Labing siyam na umano’y mga barko ng China ang umaaligid at nakapalibot sa dagat ng PAG-ASA.
Ito ay isang eksenang hindi bago kung tutuuisin ngunit sinabi ni Anyo na may mga taktika ang China para hatiin ang mga paninindigan ng mga Pilipino.
Sa kabila niyan mas palalakasin ng Pilipinas ang pwersa sa pamamagitan ng bagong himpilan ng Philippine Coast Guard sa kalayaan group of Island.
Sa pamamagitan ng Coast Guard Station Kalayaan group mas mapapaigting nito ang maritime operations ng PCG partikular na ang maritime domain awareness o ang pagmonitor sa karagdagang sakop ng exclusive economic zone.
Nanindigan si Año na hindi papatinag ang Pilipinas sa kahit anong pambu-ully ng China.
