DOJ, inihayag na may ginagawa silang estratihiya sa jail congestion

Inihayag ng Department of Justice na may ginagawa na umano silang estratehiya para matugunan ang jail congestion sa Pilipinas.

Ayon kay Department of Justice spokesperson Mico Clavano 70% BJMP detention facilities ay overcrowded kung saan ang average congestion rate ay nasa 386% sa mga pasilidad na ito.

Read More:  Coup rumors denied! Senate President alan cayetano says majority bloc remains solid

Ang Quezon City male dormitory ang may pinakamataas na congestion rate na nasa 1,330%.

Ilan sa mga paraan ang tinitingnan nila ay ang pagbawas sa jail admission at paramihin ang pinalalaya sa pamamagitan ng legal na paraan at palawigin pa ang kapasidad ng jail facility.

Read More:  Bato’s wife appeals against possible Hague transfer

Tatalakayin ang mga estratehiya nito sa gagawing National Jail Decongestion Summit sa Maynila sa December 6 at 7.

Samantala, sinabi rin ng DOJ na nasa isang libong preso ang irerekomendang mabigyan ng presidential pardon at executive clemency ngayong holiday season.