Mga barko ng China binuntutan ang Atin Ito convoy

Hindi pinalampas ng mga barko ng Chinese Coast Guard ang mga convoy ng Atin Ito coalition malapit sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.

Unang namataan ang barko ng CCG na may bow number na 4109, kung saan nasa 50 nautical miles na ang layo mula sa Bajo de Masinloc ng civilian convoy.

Read More:  DFA reports no Filipino casualties following Venezuela earthquakes

Ang pangalawa ay ang CCG 4108 na naglayag naman malapit sa convoy.

Ayon sa Akbayan Partylist, prinotektahan ng Philippine Coast Guard vessel BRP Bagacay ang grupo ng maghahanatid ng supply.

Read More:  Visayas grid to experience power supply shortage

Sa kabila ng mga banta ng China matagumpay na nakapaglagay ang Atin Ito Coaliton ng mga floating marker at namahagi ng suplay sa mga mangingisdang Pilipino kabilang ang gasolina sa 14 nautical miles sa Palauig Point, Zambales.