CATPPO, inilabas ang updates hinggil sa UFO, debris ng Chinese Rocket, Chinese Vessels na namataan sa kanilang lalawigan

BNFM Bicol-INILABAS na ng Catanduanes Provincial Police Office (CATPPO) at Philippine Coast Guard (PCG) sa Provincial Government ng Catanduanes ang update hinggil sa UFO, debris ng Chinese Rocket, Chinese Vessels na namataan sa islang lalawigan.

Nitong Mayo 6, namataan ng isang mangingisda ang isang unidentified floating object sa may bahagi ng Brgy. Dariao, Caramoran na palutang-lutang sa karagatan. Agad naman itong ipinadala sa sa kustodiya ng Naval Intelligence and Security Group Southern Luzon na siya namang magpapadala sa Maritime and Information Research and Development Center para isailalim sa mas masusing pagsusuri.

Namataan din ang Chinese Vessel na namataan sa karagatan malapit sa Viga, Catanduanes at ang nagpadala na ng Notice to Maritime Stations noong mga nakaraang linggo bilang paghahanda sa posibleng pagbagsak ng debris mula sa rocket launch na ipinalipad ng China noong Marso.

Samantala, sinisiguro naman ng mga awtoridad na nakahanda sila sa anumang mangyari lalo na’t prayuridad nilang maprotektahan ang kanilang teritoryo sa mga mapang-abusong grupo o individwal. #### KENNETH BERMIL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *