Fuel tanker – lumubog at nagdulot ng oil spill sa Limay, Bataan; 16 tripulante, na-rescue; Isa, nawawala pa

Lumubog ang isang fuel tanker na may kargang industrial fuel oil sa may bahagi ng Limay, Bataan.

Nag-capsize ang MT Terra Nova sa Manila Bay, nasa pitong kilomtero ang layo mula sa Limay.

Papunta raw sana ito sa Iloilo nang mangyari ang insidente.

Na-rescue naman ang 16 mula sa 17 crew na sakay nito.

Ang BRP Melchora Aquino ng Philippine Coast Guard (PCG) ang magsasagawa ng search and rescue operations sa isa pang nawawalang tripulante, pero ayon kay Transportation Sec. Jaime Bautista – ‘di pa sila kaagad makapag-dispatch ng resources dahil sa malakas na hangin at matataas na alon.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Sa ngayon, wala umanong indikasyon ng sama ng panahon nang lumubog ang motor tanker.

Samantala, tiniyak naman ng DENR na kaagad nilang tututukan ang naturang oil spill.

Pinabibisita na rin si Sec. Ma. Antonia Yulo-Loyzaga sa area para ma-check ang hangganan ng tumagas na langis.

PBBM, pinatitiyak ang agarang assessment ng DENR sa oil spill sa Limay, Bataan

Read More:  PNP to deploy more personnel around Senate amid political tensions

Inatasan na ni Pangulong Bongbong Marcos ang Department of Environment and Natural Resources na magsagawa na agad ng assessment sa posibleng environment impact ng oil spill sa Limay, Bataan dahil sa lumubog na fuel tanker.

Kabilang sa ipinatutukoy ng Pangulo sa DENR kung saan posibleng padparin ng hangin at alon ang oil spill.

Ipinunto ng Presidente na mahalagang kumilos na agad bago kumalat ang langis at makarating sa dalampasigan.

Nabatid na lumubog ang fuel tanker kaninang ala-una ng madaling araw na may lulan na 1,494 metric tons ng industrial fuel.