NAGA CITY –Nag-ikot sa mga low lying areas sa Naga City na may binabahaang paaralan ang mga personahe ng City Disaster Risk Reduction Management Office sa layuning matiyak na ligtas ang mga bata sa anumang epekto ng pagf-uulan.
Sa pag lift ng suspension classes kahapon ng LGU-Naga saka naman muling umulan sa lungsod at sa Camarines Sur.
Batay sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Ernesto Elcamel, ang head ng CDRRMO,sinabi nitong lagi namang nakahanda at nakaalerto ang kanilang response team pagganitong senaryo, kaya nakakasiguro silang walang mangyayaring masama sa mga batang pumasok sa paaralan kahit na umuulan.
Ayon sa kanya,kaaagapay nila ang mga barangay opisyal sa pagbabantay sa mga paalaran na kakaunti lang namang ang mga nagsipagpasok na mga bata.
Sa ngayon,mabuti na naman ang lagay ng panahon sa Naga kaya regular na ang pasok ng mga mag-aaral sa kani-kanilang mga paaralan na inibisuhan lamang na magdala ng payong at kapote bilang pananggalang sakaling bumuhos na naman ang ulan.