Mga bahaging lugar sa Rinconada Area, tututukan ng NIA ngayong tag-ulan

NAGA CITY – Tinututukan hindi lang ng kanilang kanya-kanyang Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRO) at ng Environment Disaster Management and Emergency Response Office (EDMERO) ang Iriga City, Baao, Bato at ilang bayan na nasa Rinconada area sa Camarines Sur ngayon tag-ulan dahil sa banta ng pagbabaha.

Ang mga nabanggit ng mga bayan ay bahaing lugar dahil sa Waras River at lawa na nakakakasakop sa mga ito sa kabila ng mga ipinatupad na flood control projects na pinondohan ng National Government.

Batay naman sa panayam ng Brigada News FM Naga kay NIA Bicol Public Information Officer Maria Cleofe Baraero, sinabi niyang sila sa National Irrigation Administration ay nakabantay din at ilang projects naman ang meron sila sa Rinconada area kontra- baha, lalo na sa Buhi at Bato Camarines Sur, na may mga lawa o lake.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *