Mga bagong opisyales ng SRA, nakatakdang manumpa kay Marcos ngayong hapon

Nakatakdang manumpa mamayang hapon ang mga bagong opisyal ng Sugar Regulatory Administration sa harap mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr sa Malakanyang.

Kabilang na dito si David John Thaddeus P. Alba na magsisilbi bilang acting administrator ng SRA kapalit ni Hermenegildo Serfica na nagresign matapos ang kontrobersiyal na resolution para mag-import ng 300,000 metric tons ng walang basbas mula sa Pangulo.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Kasama ring manunumpa kay Pangulong Marcos Jr. mamaya sina Pablo Luis S. Azcona at Ma. Mitzi V. Mangwag na hahalili sa ilang SRA official na nagbitiw din sa puwesto.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Magugunitang unang nagbigay ng pahayag ang Malakanyang na magkakaroon ng re-organization sa SRA kasunod ng pagputok sa isyu ng sugar importation resolution.

Samantala manunumpa rin ngayong hapon sa harap ng Pangulo ang mga bagong talagang opisyal ng PAGCOR.
#