OCD-Region 2, naka-red alert na sa pagbabantay sa Bagyong #FloritaPH

Naka-red alert na ang Office of Civil Defense (OCD) Region 2 sa monitoring o pagbabantay sa mga probinsya sa Northern Luzon na tatamaan ng Bagyong #FloritaPH.

Sa panayam ng Brigada News FM kay Michael Conag, Information Officer ng OCD-Region 2, sinabi nito na kahapon pa ay nagkaroon na sila ng council meetings o pagpupulong para sa pre-disaster risk assessment sa nasabing rehiyon.

24/7 na rin aniya ang monitoring ng mga local disaster operation centers at time-to-time ay nagbibigay sila ng update tungkol sa bagyo.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Samantala, binanggit naman ni Conag na isa sa mahigpit nilang babantayan ngayon ay ang lebel ng tubig sa Magat Dam.

Tiniyak naman ni Conag na naka-preposition na rin ang mga evacuation centers sa rehiyon kung saan kaninang umaga pa raw ay naabisuhan na nila agad ang mga residente mula sa mga mabababang lugar na magsilikas na lalo na kung magpapatuloy ang malalakas na buhos ng ulan.

Klase sa probinsya ng Cagayan, suspendido na

Kasabay ng pagsisimula ng unang araw ng pasukan, naantala na agad ang klase sa ilang lalawigan sa Region 2 dahil sa Bagyong Florita.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Ayon kay Conag, aglabas na ng anunsyo ang probinsya ng Cagayan kaugnay sa suspensyo ng klase simula pre-school hanggang elementary.

Sa hiwalay naman na panayam kay Atty. Watu Fronda, ang PDRRMO Chief ng Isabela, sinabi nito na awtomatikong suspendido na rin ang klase sa probinsya para sa pre-school at kindergarten.

Wala pa naming abiso ang ibang lalawigan kaugnay sa suspension ng klase dahil sa bagyo.
#