New Covid-19 cases sa Bicol. nakuha umano sa mga health care workers na pawang fully vaccinated na- DOH Bicol

LEGAZPI CITY – Malaking porsyento na mga bagong naitatalang kaso ng coronavirus disease (COVID) 19 ay nakukuha o nahahawa mula sa mga health care workers at mga nabakunahan o kompletong bakuna.

Ito ang inihayag ni Dr. Ferchito Avelino ang Assistant Regional Director ng Department of Health (DOH) Bicol sa ginawang press briefing.

Ayon kay Avelino, dapat maintindihan ng mga ito na ang bakuna sa covid 19 hindi ginagarantiya sa bawat tao ay hindi na mahahawa.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Subalit ang tanging magagawa ng bakuna sakali man na magkaroon ulit ng nasabing sakit ay hindi lalala ang kaso ng covid 19.

Maliban pa rito, unti unti naman naiibalik ang mga maling gawain sa paggamit ng preventive measures tulad na lamang nang hindi tamang pagsuot ng face mask, pagpunta sa mga mararaming tao na posibleng mahawa ng covid 19 o okasyon na pinupuntahan na kung saan hindi na nasusunod ang social distancing.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Naging maluwag na ang lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng health protocols kung kayat hindi na naipapatupad ng maayos na naging sanhi ng pagtaas muli ng covid 19.

Sinabi ng opisyal, kung pababayaan o hindi gagalaw ang mga Local Government Unit (LGU) may posibleng tumaas ang covid 19 sa Bicol Region.