LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Department of Health (DOH) Bicol na mayroong 98% na pagtaas sa dengue cases sa rehiyon.
Ayon sa tanggapan, mayroong 753 kaso ng dengue mula Enero 1 hanggang Hulyo 2, 2022 kumpara sa 380 na naiulat sa parehong peryodo noong nakaraang taon.
Nakapagtala rin ng dalawang nasawi sa nasabing sakit sa parehong panahon ng kasalukuyan taon.
Maliban pa rito, mula Hunyo 19 hanggang Hulyo 2, naitala ang mga kaso ng dengue sa lalawigan ng Camarines Sur, Camarines Norte, Catanduanes, at Sorsogon habang ang Masbate at Albay ay walang kaso.
Nagbigay ng paalala ang ahensya para maiwasan ang pagkalat ng sakit na dala ng lamok na ito, hinihimok ang publiko na mahigpit na sundin ang 4S strategy — Maghanap at sirain ang mga lugar ng pag-aanakan ng lamok, gumamit ng Self-protection measures, Humingi ng maagang konsultasyon, at Magsabi ng “yes” to fogging kapag mayroong isang nalalapit na outbreak o isang hotspot.
Hinikayat din ng mga regional health authority ang mga local government units na sundin at ipatupad ang mga patakaran at pamamaraan upang makatulong na maiwasan ang dengue sa kanilang mga lokalidad.