Mga bagong balay silangan, nai-turn over na ng PDEA Bicol sa ilang bayan ng Camarines Sur

NAGA CITY – Sa pangunguna ni Regional Director Edgar Jubay ng Phil Drug Enforcement Agency-Bicol o PDEA Bicol, nai-turn over na ang mga bagong Balay Silangan sa ilang bayan ng Camarines Sur bilang rehabilitation center para sa mga Persons Who Use Drugs o PWUDs.

Isa ang bayan ng Garchitorena, Balatan, Milaor sa mga nabiyayaan ng nasabing center.

Sa pangunguna rin ni Mayor Leda Simando San Luis ng Garchitorena, kasama ang Municipal Police Station ng bayan, Municipal Health Office, Municipal Social Welfare and Development Office, iba pang ahensya at mga opisyal, nagkaroon ng Signing ng Memorandum of Agreement o MOA.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Ayon kay PSMS Sanny Buenavedis, Police Community Relation Officer ng Garchitorena MPS, maaari nang ilipat sa kanilang bagong Balay Silangan ang nasa higit 100 nilang mga PWUDs na pwede rin tirahan, dito na rin gagawin ang mga aktibidad at mga programa, provided naman ng LGU ang mga pangangailangan ng mga ito.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Nagpapatuloy rin ang monitoring at visitation nila sa mga dating drug users.

Samantala, sa 23 mga barangay sa bayan, ang Barangay Sumaoy na lamang ang hindi pa Drug Cleared Barangay at inaasahang ngayong Hulyo magiging drug cleared.