Ibinahagi ng Marine Batallion Landing Team- 3 at iba pang ahensya na may kaugnayan sa operasyon ang mga nakuhang armas na pampasabog mula sa ibat-ibang lugar sa Palawan nitong ika-28 ng Agosto, 2021 na kung saan ay pinamumugaran ng mga teroristang New People’s Army.
Sa inilabas na ulat ng 3rd Marine Brigade, kabilang sa mga nakuha nila ay M16 A1 rifles, 13 anti-personnel mines, 32 improvised hand grenade at iba pang paraphernalia na ginagamit sa pagawa ng bomba.
Ang mga nakumpiska ay resulta ng kanilang tuloy-tuloy na operasyon at ginagawang community support program.
Samantala, nananawagan si Col. Jimmy D. Larida Commmander of 3rd Marine Brigade sa natitirang miyembro ng teroristang NPA sa Palawan na magbalik loob na sa pamahalaan sa pamamagitan ng programa ng gobyerno para sa mga rebel returnee na E-CLIP sa ilalim ng Palawan PTF-ELCAC para makapiling na ang kani- kanilang mga pamilya lalo na at papalapit na ang kapaskuhan.