Mga aplikante para sa pabahay ng City of San Fernando, isinalang na sa screening

Isinalang na sa screening simula kahapon ang mga empleyado ng City Government ng San Fernando na aplikante para sa housing program ng syudad.

Ito’y matapos ang paglagda ni City mayor Edwin Santiago at ng Social Housing Finance Corporation para sa pabahay sa mga empleyado ng city government.

Ayon kay Prandy Vergara, assigned OIC ng SHFC, layon ng screening na makuha ang impormasyon ng mga aplikante, at malaman kung ano ang kapasidad nila sa pagbabayad ng monthly amortization, na may interest na 2%, 4.5% o 6% depende sa kanilang monthly income.

Nasa 937 ang mga LGU employees na aplikante para sa naturang pabahay sa bgy Panipuan.

Kaya naman inaasahang magtatagal ang screening hanggang May 07.

Samantala maliban sa mga empleyado ng city government, may ikinakasa ring pabahay ang LGU para sa halos 500 informal settlers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *