Tatlompu’t pitong Chinese nationals ang inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigratoion sa Multinational Village sa Parañaque City.
Ito’y dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa iligal na pagbebenta ng pagkain , groceries at pago-operate ng mga restaurants sa nasabing lugar.
Ayon sa ulat ni intelligence division Chief Fortunato Manahan, Jr. kay BI Commissioner Norman Tansingco, inaresto ang mga dayuhan noong June 4.
Kabilang sa mga inaresto ang 7 babae at 30 lalaki.
Sinabi ni Commissioner Tansingco na ang pag-aresto ay bunsod ng intelligence reports na natanggap ng kanyang opisina ukol sa mga dayuhang iligal na nagtatrabaho sa loob ng subdivision.
Kasalukuyang nakakulong sa BI facility sa loob ng Camp Bagong Diwa sa Taguig ang mga dayuhan habang hinihintay ang resolusyon ng bmga kasong deportasyon na isasampa laban sa kanila.